Araw
Tahan na, bata.
Ang iyong sugat na dinadala'y hihilom din.
Bigyan ng oras ang sarili at huwag madaliin.
Ako'y mainipin ngunit ako'y nandito. Handang umakay sa pasan mo. Handang maghintay.
Luha'y papawiin.
Bagong araw ay sasapit na. Bagong buhay ay sisilip na. Lagyan ng wakas ang iyong pighati.
Tama na.
Tahan na.
Comments
Post a Comment